905-910-0718 webgrphcs@gmail.com
PINAY
A poem for Heber Bartolome’s painting
October 7, 2010
by Jhun Ciolo Diamante
Philippine Artists Group of Canada (PAG)
www.philippineartists.com


kayumanggi mong kulay
ipagmalaki mong tunay
kagandahan mong taglay
kayamanang KANYANG bigay.

saan mang sulok ng mundo
sila’y bilib sa ganda mo
kayumangging kulay nitong
balat nating mala chico.

salat man sa karangyaan
tiniis mong hirap n’yo
inisip na makatulong
kahit ano gagawin mo.

magandang aral ni amang
at paalala ni inang
palagi mong iingatan
karangalang tanging yaman.

saan ka man makarating
palagi mong pagyamanin
talino mo’t kahusayan
isang kang pag-asa ng bayan.

Retaso

Retaso

A poem for Heber Bartolome's painting October 7, 2010 by Jhun Ciolo Diamante Philippine Artists Group of Canada (PAG) www.philippineartists.com tira-tirang parang basura punit-punit na mga tela, iba't-ibang kulay ngunit gumaganda 'pag dikit-dikit. retaso ang tingin...

TINDERA AT ANAK

TINDERA AT ANAK

A poem for Heber Bartolome's painting October 7, 2010 by Jhun Ciolo Diamante Philippine Artists Group of Canada (PAG) www.philippineartists.com maghapon kang gumagala kasama ang batang dukha naglalako, sumisigaw kahit ika’y giniginaw. maliit na kinita mo dalangin ay...