905-910-0718 webgrphcs@gmail.com
Retaso
A poem for Heber Bartolome’s painting
October 7, 2010
by Jhun Ciolo Diamante
Philippine Artists Group of Canada (PAG)
www.philippineartists.com


tira-tirang parang basura
punit-punit na mga tela,
iba’t-ibang kulay ngunit
gumaganda ‘pag dikit-dikit.

retaso ang tingin nila
isang tambak ang hitsura
subalit kung dadamhin mo
nagbibigay ‘to ng sigla.

akala mo’y walang kwenta
lalo na kung maliliit
pero nang magkadikit
naging matibay na gamit.

noong araw ‘pag may punit
isang retaso ang banggit
ngayon ang usong damit
retaso ang ginagamit.

retaso mang punit-punit
may pag-asang makakamit
buklod-buklod ng mabuo
isang magarang damit.

TINDERA AT ANAK

TINDERA AT ANAK

A poem for Heber Bartolome's painting October 7, 2010 by Jhun Ciolo Diamante Philippine Artists Group of Canada (PAG) www.philippineartists.com maghapon kang gumagala kasama ang batang dukha naglalako, sumisigaw kahit ika’y giniginaw. maliit na kinita mo dalangin ay...

PINAY

PINAY

A poem for Heber Bartolome's painting October 7, 2010 by Jhun Ciolo Diamante Philippine Artists Group of Canada (PAG) www.philippineartists.com kayumanggi mong kulay ipagmalaki mong tunay kagandahan mong taglay kayamanang KANYANG bigay. saan mang sulok ng mundo sila’y...