905-910-0718 webgrphcs@gmail.com
TINDERA AT ANAK
A poem for Heber Bartolome’s painting
October 7, 2010
by Jhun Ciolo Diamante
Philippine Artists Group of Canada (PAG)
www.philippineartists.com


maghapon kang gumagala
kasama ang batang dukha
naglalako, sumisigaw
kahit ika’y giniginaw.

maliit na kinita mo
dalangin ay pag-asenso
at ang hangad na matamo
kinabukasan ng bunso.

tinahak mong landas ngayon
hanggang sa kabilang nayon
hirap, bigat at ang pagod
tiniis ng mga tuhod.

anak dinanas mong hirap
lalaon at mayroong sarap
pagbutihin mo’t magsikap
nang ang pangarap ay maganap.

malapit ang dapit hapon
nawa’y ika’y makaipon
ating tinahak na landas
maganda ang maging bukas.

Retaso

Retaso

A poem for Heber Bartolome's painting October 7, 2010 by Jhun Ciolo Diamante Philippine Artists Group of Canada (PAG) www.philippineartists.com tira-tirang parang basura punit-punit na mga tela, iba't-ibang kulay ngunit gumaganda 'pag dikit-dikit. retaso ang tingin...

PINAY

PINAY

A poem for Heber Bartolome's painting October 7, 2010 by Jhun Ciolo Diamante Philippine Artists Group of Canada (PAG) www.philippineartists.com kayumanggi mong kulay ipagmalaki mong tunay kagandahan mong taglay kayamanang KANYANG bigay. saan mang sulok ng mundo sila’y...